Biyernes, Agosto 2, 2013



Unang Lingo Bilang Jobless

Ang buhay ng isang Jobless, ay isang bahagi ng buhay ko na di ko akalaing dadanasin ko. Sapagkat sa murang idad ay maaga akong naging empleyado. Unang araw pa lamang  na wala akong trabaho ay na gulong gulo ang pusot isip ko kung bakit ito nangyari. Kung bakit ko kailanganin na danasin ang ganitong buhay.

Madami akong iniisip at agam agam kung paano at saan ako kukuha ng pera upang matustusan ko ang pang araw araw na gastos para sa aking pamilya. Si Angelo aking panganay nasa ikalawang taon pa lamang siya sa elementarya, Si JC Andrie nasa Kinder at ang bunso kong si Angel na anim na buwang sangol.

Tinanong ko ang aking sarili kung masama ba akong tao para danasin ko ang lahat ng ito? o Karma ba ito sa akin sa aking bawat ginawang mga kasalanan? Parusa ba ito sakin ng Panginoong aking diyos sa aking mga nagawang mga pag kakamali?





Di ako makakain, di ako makatulog, pakiramdam koparati akong busog kahit na hindi pa naman ako kumakain. Hindi ako makaramdam ng gutom kakaisip ng kung ano-ano. Ang hirap pala ng ganito para akong mababaliw kakaisip pero wala naman akong nakukuhang sulosyon sa aking mga problema. May mga sandaling pumapatak na lang ang aking luha na di ko namamalayan.At kung di ko na talaga kaya ang bigat sa aking dibdib nag tutungo ako sa banyo at dun ko inilalabas lahat ang aking luhang di mapigilan. Bilang lalake at ama ng tahanan nahihiya akong makita ng aking mga anak na ang kanilang tatay ay umiiyak. Ewan ko siguro dahil pilipino ako at likas sa mga pinoy na itago ang pag luha ng mga lalake sa publiko. 



Di ko parin masabi sa aking pamilya na wala na akong trabaho, maaga akong gumigising upang maligo para maka pag bihis kunwari ay papasok sa trabaho. Aayain ko kaagad ang panganay kong anak para pumasok.
Madalas ko sya ihatid palagi sa eskwela bago ako pumasok dahil alas syete ng umaga ang pasok nya samantalang ako naman ay alas otso nung ako ay nag tatrabaho pa. 

Pero hangang kelan ko pwede ilihim sa aking buong pamilya na di na pala ako pumapasok sa halip ay sa netshop, simbahan o sa kapilya ako tumatambay para mag palipas ng oras o kaya ay sa mall para libangin ang sarili at mag palamig na din. Sayang ang oras ko pati na din ang pamasahe sa kakakunwari na pumapasok at pag dating ng alas singko makikisabay ako sa mga nag uuwiang mga empleyado para kunwari ay sa trabaho ako galing. 

Isa lang ang sulusyon para dito dapat di ako laging ganito dahil kung tatagal pa ako sa ganitong sitwasyon malamang madadagdagan ng isa ang mga tumatakbo sa lansangan na madungis at pinandidirihan ng lipunan. Ayokong maging baliw o maging Taong Grasa 


Di pwedeng mangyari ito... kailangan ko ng isang taong makakausap ko, kailangan ko ng isang taong makikinig sa akin. Isang taong handang makinig at hindi para mang husga. Tama na ang ilang araw na sinasarili ko ang problema, dahil habang ito ay tumatagal para ko lang inilalapit ang aking sarili sa Mental Hospital. Parang sasabog na ang utak ko kakaisip. Pagod na pagod na ang pakiramdam ko, samantalang halos tambay lang naman ako.

Saglit akong nanalangin... humingi ako ng lakas ng loob sa diyos upang bigyan ako ng lakas ng loob para sabihin na sa aking asawa ang sitwasyon ko. Madami din kase yung problema sa kanyang kumpanyang pinag tatrabahuhan bilang isang ordinayong empleyado. Pero napakaraming "paano" muna ang naipon sa ilang oras ko sa kapilya.

Tulad ng:

             Paano kung magalit sya at sabihin sakin paano na ang araw araw nating gastos san ka kukuha ng                  ipapalamon mo sa aming mag-iina?
     
             Paano na ang pag-aaral ng mga bata?

             Paano na ang pangbili ng gatas at diaper ni baby?

             Paano na ang pangbayad natin sa nag-aalaga sa mga bata?

            Paano na ang mga bayarin sa bahay tulad ng renta sa bahay, koryente at tubig?

Hayyyyy.... napakarami nyang itatanong na di ko alam kung saan ako kukuha ng sagot. Ano sasabihin ko na ba o di na lang muna ulit. Ohhh diyos ko pano ba ito? 

Si Tita.... pwede sya muna ang kakausapin ko para makahingi ako ng komento nya pag ready na akong kausapin ang asawa ko. Tama sya nga. agad akong nag log-in sa skype dahil yun lang ang madaling paraan para maka-usap ko sya. Tinanong ko siya kung pwede ba kaming mag kita pag ka tapos ng oras nya sa opisina. 

Buti na lamang at nagpaunlak siya at sinabing alas tres ng hapon kami mag-kikita. Sa simbahan sa bayan ang ang lugar na aming napagkasunsudan. Maulan ng mga oras na iyon, tila pati ang langit ay nakikiaayon sa makulimlim na bahagi ng aking buhay.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, may ginaganap palang kasalan sa simbahan. Pano kaya kami makakapag usap ng sarilinan ng Tita ko? Sa dami ng tao na nakikisaksi sa ginaganap na kasal paano na ang pag lalahad ko ng problema ko sa Tita ko?  Ahhhh. alam ko na sa Adoration chapel kaya kami pupunta. Siguro pwede naman dun kahit medyo pabulong lang ang pag uusap namin sa lugar na iyon. Agad ko siyang inaya sa dakong gilid ng simbahan upang magtungo sa Adoration Chapel.

Swerte naman at walang tao nung mga oras na iyon kaya madali kong inumpisahan ang pag sasabi sa aking pangalawang ina (Tita ko). Tama po pangalawang Ina na ang turing ko sa aking tiyahin na kapatid ng aking ama. Siya ang kasama ko sa bahay simula nung ako ay bata pa maging nung nagbinata na ako at nung ako ay nagkapamilya na. Mahabang mahaba na talaga ang aming pinag samahan kaya halos kilalang-kila na nya ako.

At tama nga ang aking hinala, naamoy nga niya ang aking pagiging balisa nitong mga nakaraang araw, gayun din ang pangingitim ng aking mga mata tanda ng di makatulog sa gabi. Kaya bago ko pa lang sinasabi ang aking problema ay alam na nya na mabigat ang aking dinadala. 

At tulad ng aking inaasahan, buong tyaga nyang pinakinggan ang aking mga saloobin, mga problema, mga hinanakit sa aking kumpanyang pinag tatrabahuhan gayun din sa mga agam-agam na aking haharapin sa kinabukasan gayong Jobless na nga ako.

Isa isa kong idenitalye sa kanya ang puno at dulo ng lahat kung bakit ako isang Jobless ng mga oras na iyon. Ni isang salita, hindi ako nakarinig na kinwestyon nya ang aking mga pagkakamali. Ni isang salita di ako nakarinig sa kanya na sinisi nya ako sa aking mga maling hakbang sa aking buhay. Sa halip ay inintindi niya ang aking pag-lalahad sa pagitan ng pag singhot at pag punas ng luha habang buong puso akong nag kukwento ng aking mga problema.


Matapos maubos ang dala niyang tissue paper kakapunas ng aking sipon at luha, kasabay nun ang pag-gaan ng aking dibdib. Iminungkahe niya sa akin na lumabas kaming mag-asawa para kumain sa labas sa araw ng linggo pag katapos naming mag-simbang mag-anak, Sila na daw muna ang bahala sa mga bata habang kami ay wala. At nakumbinsi nga nya ako na sabihin na sa aking asawa ang lahat. Mahirap nga naman na sa ibang tao pa nya malalaman na ako ay wala nang trabaho. Bilang asawa ay karapatan nya na malaman ang lahat.Di ko na nga naman pweede patagalin. Di na pwedeng patago tago kung saan saan. Dahil walang sekreto ang di nabubunyag. Walang dumi ang di nangangamoy.

Handa na ako. sasabihin ko na sa aking asawa ang aking sitwasyon.

Dumating ang araw ng linggo, tulad ng dati, excited ang aking mga anak sa pagsimba dahil tuwing lingo lamang sila nakaka alis ng bahay na kasama ang buong pamilya. Sa San Vicente Ferrer Parish kami palaging sumisimba kahit kami ay nakatira sa bayan ng Carmona. 




Mas madali kase para sa amin na sa simbahang ito mag simba dahil isang sakay lamang din naman ito buhat sa aming tahanan. Aircondition din ang simbahang ito kung kayat mainam ito para sa aking mga bata kahit madaming tao sa loob nito di parin papawisan ang mga bata, saka sanay na din kami na sa simbahang ito sumisimba kahit noong panahon na hindi pa ito napapa aircon. 

Abangan.....

















Walang komento:

Mag-post ng isang Komento